NASA 28 kilo ng high grade Marijuana or Kush na nagkakahalaga ng Php 30 milyon ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Custom sa Manila International Container Port .
Ayon sa ulat na ibinahagi ng PDEA Regional Office NCR at BOC naganap ang anti narcotics operation sa Designated Examination Area (DEA), Container Facility Station 3 (CFS3), Manila International Container Port (MICP), sa Tondo, Manila.
Isang container cargo na may kahinahinalang mga dokumento ang binuksan at diniskarga saka isinailalim sa x-ray examination ng Bureau of Customs Inspector. At ang resulta, 30 sa 419 boxes ay hinihinalang naglalaman ng kontrabando.
Para maberipika ay nagpasyang buksan ng mga awtoridad ang mga bagahe saka isinailalim sa K9 inspection na nag resulta na positibong sa presensiya ng dangerous drugs.
Sa pagsusuri ay lumitaw na mga pinatuyong high grade Marijuana (Kush) ang lamang ng mga kahon.
Sinasabing umabot ito sa humigit kumulang 28,296 gramo ng Marijuana-dried leaves na itinago sa mga Balikbayan boxes at may standard drug price value na umaabot sa Php39,614,400.
Base sa hawak na dokumento ang mga Balikbayan boxes ay nagmula sa Vancouver, Canada.
Kasalukuyang iniimbestigahan na ang shipper, receiver, at maging ang forwarding companies na sangkot at nakahandang kasuhan ng paglabag sa RA 9165.
Bababal ni Director Emerson R Rosales, Regional Director of PDEA – RO NCR sa publiko, ” importing illegal drugs to the country is prohibited and may face a penalty of life imprisonment and a fine ranging from five hundred thousand pesos to ten million pesos.














