27M COVID vaccines, mae-expire na sa Hulyo!

HINIMOK ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang mga Pilipinong hindi pa bakunado na magpaturok na ng COVID-19 vaccines dahil sa pangambang masayang ang mga ito pagsapit ng kalagitnaan ng taon.

Ayon kay Concepcion, 27 milyong doses ng bakuna ang nakatakdang ma-expire sa Hulyo na aniya’y maituturing na pag-aaksaya o pagtatapon sa pera ng mga taxpayer.

“Time is of the essence. This is why I am calling it out now while there is still time before these vaccines expire,” aniya.


Binigyang-diin pa ni Concepcion na sumampa na sa P12 trilyon ang utang ng bansa dahil sa pangungutang para tugunan ang pandemya.

Babala pa ng opisyal, posibleng maharap ang bansa sa dobleng problema dahil sa potensyal na pagsipa muli ng kaso ng COVID-19 at ang epekto ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

“By the second half of the year, the majority of the population will have waning immunity. If cases rise, we will lock down again. And if the conflict in the Ukraine drags on, we will lock down in the midst of rising commodity prices and logjams in the supply chain,” dagdag ni Concepcion.

“Unless we finish all the vaccines in stock and booster everybody that needs it, we risk going back to square one by yearend.”


Simula Pebrero 28, 2021, nasa higit 243 milyong doses na ng iba’t ibang brand ng COVID-19 vaccines ang dumating sa Pilipinas.

Pero 149 lamang dito ang nagamit hanggang nitong Marso 29.

Samantala, nagsasagawa na rin ng house-to-house at special vaccination days ang DOH para mapataas ang vaccine coverage sa ilang rehiyon sa bansa.


Tags: Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion

You May Also Like

Most Read