Latest News

27 VALIDATED ELECTION RELATED CASE LANG ANG NAITALA NG PNP

UMAKYAT sa 27 cases lang ang naitalang election- related incidents ng Philippine National Police (PNP) nitong nagdaan May 9 2022 polls.

Ayon sa PNP , nadagdagan pa ng tatlo ang bilang ng mga validated election related incident na naitala ng kapulisan.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, umakyat na sa 27 validated election related incidents ang kanilang naitala kung saan pinakamarami sa Region 9:


Pito ang naitala sa Region 9, habang anim naman mula sa Region 3; lima sa Cordillera; apat sa Region 1; tatlo sa BAR, habang ti is anaman ang a Region 7 at Region 10

Gayunman, sinabi ni Fajardo na mas mababa ang mga bilang na yan kung ikukumpara sa mga nakalipas na halalan.


Nasa 60 election related incidents (ERI) ang naitala noong 2019 habang 133 ERI naman noong 2016. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Philippine National Police (PNP)

You May Also Like

Most Read