Latest News

26 KATAO NA PALUTANG-LUTANG SA DAGAT, NA-RESCUE NG PHILIPPINE NAVY

By: Victor Baldemor Ruiz

Nagpapalutang-lutang na lamang sa dagat ang nasa 26 katao na sakay ng lumubog na motor launch, M/L Bangsata, malapit sa Taganak Island, Tawi-Tawi, nang abutan ng mga sumaklolong tauhan ng Philippine Navy Linggo ng gabi, habang anim pang sakay ng lumubog na lantsa ang nailigtas ng isang barkong Malaysian.

Ayon sa mga survivors ng M/L Bangsata, may 32 katao ang sakay ng lantsa nang umalis sa Taganak bandang ala- 1:45 ng umaga hanggang sa makasagupa nila ang malalaking alon at lumubog ito bandang alas- 6 ng umaga .

Ayon kay Rear Adm. Francisco Tagamolila, Jr., naganap ang pagsagip bandang 10:05 p.m., mga 17 nautical miles sa timog-silangan ng Turtle Islands.


Umalis ang bangka mula Turtle Islands patungong South Ubian, Tawi-Tawi, ngunit lumubog ito dahil sa malalakas na alon bandang 6 a.m.

Inabutan ng rescue team ng Philippine Navy ang mga pasahero na nakakapit sa mga debris mula sa lumubog na vessel.


Nabatid na napansin ng isang dumadaang barko na isang Singaporean registered tanker vessel MT EONIA, ang lumulubog na bangka at agad na nagbigay ng abiso sa mga awtoridad, dahilan upang mabilis na makaresponde ang Naval Monitoring Station (NMS) Taganak at BRP-Jose Loor Sr. (PC-390).

Agad na pinagkalooban ng tulong medical, pagkain at damit ang mga naligtas bago dinala sa Taganak Pier at ipinagkatiwala sa lokal na awtoridad para sa karagdagang pangangalaga.


Tags: Philippine Navy

You May Also Like

Most Read