Bunga ng pinaigting na pagpapatupad ng batas, ang Quezon Police Provincial Office ay nakapagtala ng 26 na indibidwal na naaresto para sa iba’t ibang kampanya laban sa mga ilegal na gawain.
Sa kampanya kontra mga most wanted persons, walang kawala ang tatlong MWP suspek na naaresto para sa kasong Qualified Theft sa Brgy Baguio, Tayabas City, kasong paglabag sa RA 9262 sa Brgy F. Nañadiego, Mulanay, Quezon, at kasong Estafa sa Brgy Zone 5, Luisiana Laguna.
Sa mga reported Crime Incidents, limang suspek naman ang arestado ng Quezon PNP para sa kasong: Malicious Mischief sa Eco Tourism Road, Rotunda (Circle) Brgy Isabang, Lucena City, Qualified Trespass to Dwelling sa Villa Juliana Subd, Brgy Ibabang Dupay, Lucena City, paglabag sa RA 7610 sa Brgy Poblacion, Candelaria, Quezon, Sexual harassment sa Lovely Village Brgy Wakas, Tayabas City, at Physical Injury/mauling sa Purok 1, Brgy Lawigue, Tayabas City.
Sa kampanya kontra ilegal na pagsusugal, arestado ang labing 17 indibidwal dahil sa pagkakasangkot sa mga ilegal na gawaing cara y cruz sa Brgy Polo at Brgy Sadsaran, Mauban, Quezon, aktong nagTotong-its sa Brgy Ibabang Kalilayan, Unisan, Quezon, paglalaro ng bingo sa Brgy 08 Poblacion, Gen Luna, Quezon at Brgy Caridad Ibaba Atimonan, Quezon at paglabag sa RA 9287 (bookies) sa Brgy Tagbacan Silangan, Catanauan, Quezon.
Samantala, para sa pagpapatupad ng iba pang Special Laws, arestado ang isang suspek sa kasong paglabag sa Illegal Logging/RA 8048 sa Brgy Batong Dalig, Gumaca Quezon at nakumpiska ang humigit-kumulang 150 BDFT na nagkakahalagang P3,000 pesos.
“Ang buong kapulisan ng Quezon Police Provincial Office ay nanatiling tuwirang nagsasagawa ng mga kampanya para sugpuin ang ibat-ibang uri ng ilegal na mga gawain na nagbabanta sa kaligtasan at seguridad ng ating mga kababayan maging sa kapayapaan at kaayusan ng ating probinsya,” pahayag ni PCol. Villanueva. (VICTOR BALDEMOR)