25 senatorial bets, 74 political at party-list groups, nakapagsumite na ng SOCEs

By: Jerry S. Tan

Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na nasa 25 senatorial bets, 64 na party-list groups at 10 political groups ang nakapagsumite na ng kanilang Statements of Contributions and Expenditures (SOCEs) sa poll body, kaugnay ng katatapos na May 12, 2025 midterm polls.

Ayon sa datos na ibinahagi sa media ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, nabatid na hanggang 8:00AM nitong Hunyo 11, nasa 25 na mula sa 66 na senatorial bets, ang nakapaghain ng kanilang SOCE.


Kabilang dito sina Victor D. Rodriguez, Norberto B. Gonzales, Willie Ong, France Castro, Vicente Sotto III, Angelo De Ablan, Ronaldo Jerome Adonis, Phillip Salvador, Jesus Hinlo Jr., Raul Lambino, Bam Aquino, Arlene Brosas, Leandro Verceles, David D’Angelo, Jose Montemayor Jr., Maria Imelda Marcos, Subair Mustapha, Jose Sonny Matula, Francis Pangilinan, Panfilo Lacson, Norman Marquez, Rodante Marcoleta, Ariel Querubin, Richard Mata, at Jocelyn Andamo.

Kabilang naman sa 64 party-list groups na naghain na ng SOCE ay ang Abono Party-list, API Party-list, 1PACMAN Party-list, Manila Teachers, Angat Party-list, ACT Teachers Party-list, Nanay Party-list, Buhay Party-list, Kabayan Party-list, Tulungan Tayo Party, DUMPER PTDA Party-list, Akay ni Sol, BIDA Katagumpay, Swerte Partylist, COOP NATCCO, Anak Kalusugan, Uswag Ilonggo Party-list, Lungsod Aasenso, Inc., AIM COOP/One Coop, Ako Bicol Party-list, United Frontliners 1Tahanan, 1Agila Party-list, Bisaya Gyud Party-list, A Teacher Party-list, Lingap, Sulong Dignidad Epanaw Sambayanan, Vendors, Gabriela Women’s Party, Alona, Puwersa ng Pilipinong Pandagat, Ako Tanod Incorporated, Bagong Pilipinas, Arangkada Pilipino, 1Munti Party-list, KM Ngayon Na Party-list, Unyon ng mga Gabay ng Bayan, OFW Party-list, Kababaihan Kabalikat Para sa Kapakanan at Kaunlaran ng Bayan, Komunidad ng Pamilya Pasyente at Persons with Disabilities, Aangat Tayo, Ipatupad Party-list, Senior Citizens Party-list, Kapuso PM Party-list, Kasambahay, TODA Aksyon, Ilocano Defenders Inc., ASAP Na, PBA Party-list, SSS-GSIS Pensyonado, WIFI, ABAG Promdi, Duterte Youth Party-list, Kusug Tausug, EduAksyon Party-list, Aksyon Dapat, United Senior Citizens, Kalinga Partylist, Health Workers Party-list, Kamanggagawa Party-list, Magsasaka Party-list, Wage Hike (Withdrawn) at Serbisyo sa Bayan Party-list.

Nasa 10 political parties ang nakapaghain na rin ng SOCE, kabilang ang Ang Katipunan Para sa Pag-Angat at Pagyabong ng Bayan (AKAY), Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP), Bigkis Pinoy Movement, Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS), Katipunan ng Kamalayang Kayumanggi (KTPNAN), United Nationalist Alliance (UNA), Partido Para sa Demokratikong Reporma (PDR), Pwersa ng Masang Pilipino (PMP), Aksyon Demokratiko (AKSYON) at Partido Federal ng Pilipinas (PFP).


Matatandaan na sinabi Garcia na ang deadline para sa filing ng SOCE ay hanggang 5 p.m. na lamang nitong Hunyo 11 at hindi na palalawigin pa.

Aniya pa, inaasahan nilang mas marami pang kandidato sa katatapos na midterm polls ang maghahain ng SOCE bago tuluyang matapos ang deadline.


Una nang sinabi ng Comelec na nanalo man o natalo ang kandidato ay obligado silang magsumite ng SOCE.

Babala pa nito, ang mga kandidatong hindi makapagsusumite ng SOCE ay maaaring maharap sa administrative offense at pagmumultahin ng mula P1,000 hanggang P30,000.


Ani Garcia, ang mga nanalong kandidato na hindi magsusumite ng SOCE ay hindi pahihintulutang makaupo sa puwesto.

Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like

Most Read