NAGHAIN sa Supreme Court(SC) ng joint motion for partial reconsideration ang 25 sa 37 naghain ng petisyon kontra sa Anti-Terrorism Act of 2020.
Iginiit ng mga petisyuner sa SC sa pamamagitan ng kanilang abogado na “partially reconsider”,ang inilabas nilang desisyon noong Disyembre 7 at ideklarang unconstitutional ang ATA o Republic Act 11479.
Magugunita na sa petisyon ng mga anti-ATA ,sinabi nila na unconstitutional ang probisyon na mahabang detensiyon at warrantless arrest at ang red tagging.
Sa desisyon ng SC noong Disyembre sa pamamagitan ng botong 12-3 ,tinamaan ang “killer proviso” na nasa Sec 4 ng batas na tumukoy sa terorismo bilang “overbroad and violative of freedom of expression.”
Nagbotohan rin ng 9-6 ,ang SC na nag aatas sa Anti-Terrorism Council na mag-adopt requests ng ” designation by other jurisdictions” o supranational jurisdictions na unconstitutional, pero sinabi ng mga petisyuner na konsolasyon lamang ito ng SC dahil pinagtibay nito ang “contentious provisions” ng batas.