25-ANYOS, BINARIL NG KAIBIGAN HANGGANG MAMATAY

By: Baby Cuevas

Sa di pa tukoy na kadahilanan, pinagbabaril hanggang sa masawi ang isang binatilyo ng diumano ay sarili niyang kaibigan, kahapon ng madaling araw sa Block 1 Gasangan, Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Kaagad na namatay ang biktimang si Alyas Ronald, nasa 25-30 anyos at may taas na 5’7, dahil sa tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo nito, habang naaresto naman ang mga suspek na sina John Pascua, alyas John-John , 28 at residente ng 483 Gate Area H Parola, Binondo, Maynila; at Ramon Sombe, alyas Kenette , 34, ng Block1 Aplaya, Baseco Compound, Port Area, Maynila, sa isinagawang follow up operation ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 14 .

Lumitaw sa imbestigasyon ni PSSg Charles Dela Torre ng Manila Police District -homicide section na naganap ang insidente alas- 4 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.


Nakita umano nila na. magkakasamang naglalakad at nag-uusap ang mga suspek at biktima ngunit pagsapit sa naturang lugar ay nakitang bumunot ng baril si Pascua at pinaputukan ang biktima nang malapitan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek subalit kalaunan ay naaresto sa kanilang lugar sa isinagawang follow-up operation ng pulisya.

Samantala, patuloy na iniimbestigahan ang motibo ng krimen.


Tags: Manila Police District-Police Station 14

You May Also Like

Most Read