Latest News

240, malubha sa COVID-19

By: Philip Reyes

Nakapagtala angDepartment of Health (DOH) ng 240 malubha at kritikal sa COVID-19 na naka-admit sa iba’t- ibang pagamutan nitong Agosto 27.

Sa 1,740 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, umabot sa 179 (10.3%) ang okupado habang noong ika-25 ng Agosto, nasa 1,926(12.7%) ng 15,192 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Nabatid na mula Agosto 21 hanggang 27, nasa 801 na bagong kaso ang naitala sa bansa.


Lumalabas na ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 114, mas mataas ng 2 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Agosto 14 hanggang 20.

Sa mga bagong kaso, 13 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.


Samantala, mayroon namang naitalang anim na pumanaw na naganap noong Agosto 14 hanggang 27.

Kaugnay nito,pinaalalahanan ng DOH ang publiko na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19 at dapat umano natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read