24-anyos na lalaki sa Northern Samar, bagong kaso ng monkeypox

By: Philip Reyes

Inihayag ng Provincial Health Office ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ito sa Northern Samar ng isang pinaghihinalaang bagong kaso ng monkeypox.

Ayon sa Provincial Health Office Advisory, tinukoy na pinaghihinalaang tinamaan ng monkeypox ang isang 24-anyos na lalaki na may dalawang linggo
nang nilalagnat,nanghihina ang katawan at may vesicular rashes.


Napag-alaman na wala namang travel history ang pasyente at kasalukuyan nang ginagamot sa Northern Samar Provincial Hospital (NSPH) kung saan siya naka -isolate at sumasailalim sa confirmatory testing para sa monkeypox.

Inalerto na ang Catarman MESU at nagsasagawa na ng ‘contact tracing’ sa mga taong nakasalamuha ng lalaki.

Samantala, tiniyak ng DOH na ‘fully-operational’ na ang kanilang system para matugunan ang anumang kaso ng monkeypox at mino-monitor na ang komunidad sa potensiyal na panganib sa kalusugan.


Nanawagan ang DOH sa publiko na kumuha lamang ng impormasyon sa mapapagkatiwalaang sources at maghintay ng.mga susunod na guidelines ukol sa naturang sakit.


Tags: Department of Health (DOH) Ilocos Regional Director Paula Paz M. Sydiongco

You May Also Like

Most Read