2,371 bagong kaso ng COVID-19 , 1 patay

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,371 bagong kaso ng COVID 19, kung saan isa ang namatay. Ito na ang pinakamataas na naitala mula noong Pebrero 16, 2022.

Ito ang nabatid kay Data Analytics Team head Edson Guido, kung saan umabot na sa 16,244 ang mga taong nagpositibo sa virus mula noong Abril 21.


Sanhi nito,nasa 3,725,382 na ang kabuuang bilang kung saan 955 sa bagong kaso ang mula sa NCR.

Gayunman, ang positivity rate noong Hulyo 10 hanggang 13 ay nasa 11.2%.

Hanggang nitong Hulyo 8 hanggang 14,nakapagtala.ng 13,254 bagong kaso ng COVID-19 kung saan ang national weekly positivity rate ngayon ay nasa 10.6 %.


Ang weekly positivity rate ng Metro Manila ay 13% ,habang ang Regions 1, 2, 3, 4-A, 4-B, 6, 7, 10, ay Cordillera Administrative Region ay may positivity rate na.mahigit sa 5%.

Ayon sa DOH,ang national daily average ngayon ay mahigit sa 1,700 bagong kaso kada araw na mas mataas ng 40% sa. 1,247 daily average mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 7.


Ang NCR ang may pinakamabilis na pagtaas ng kaso habang nanatili naman ang Mindanao bilang mabagal sa pagdami ng kaso.

Ayon sa DOH,sa kabila ng pagtaas sa mga bagong kaso,nanatili na ang
healthcare utilization rates ay nasa low-risk sa lahat ng rehiyon na may kritikal at malalang admission na nasa 1% ng total admission. (Philip Reyes)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read

Latest News