Latest News

234 PDLs, pinalaya

Balik-laya na ang may 234 persons deprived of Liberty (PDLs) na nagmula sa iba’t- ibang kulungan at penal farms matapos na aprubahan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagpapalaya sa kanila.

Dinaluhan ni Justice Secretary Jesus Crsipin Remulla at Public Attorney Office chief Persida Acosta ang idinaos na culminating program.


Nabatid na 128 PDLs ang nagmula sa New Bilibid Prison (NBP), 47 sa Davao Prison and Penal Farm at 21 mula sa Correctional Institute for Women.

Sa 234 PDLs na nakalaya, 106 ang napalaya sa pamamagitan ng parol, 104 naman ang nakapagsilbi ng kanilang maximum sentence with Good Conduct Time Allowance at 12 ang naabsuwelto sa kanilang kaso.

Kaugnay sa PDLs sa NBP, may 71 ang nabigyan ng parole,habang 45 ang nakapagsilbi ng kanilang maximum sentence with GCTA.


Una nang pinalaya noong Setyembre ang may 350 PDLs. (Anthony Quindoy)


Tags: New Bilibid Prison (NBP)

You May Also Like

Most Read