23,395 DRUG PERSONALITIES, NADAKIP NG PNP

By: Victor Baldemor Ruiz

Umaabot sa 23,395 drug personalities na ang nasakote ng Philippine National Police mula nung New Year’s Day hanggang May 19, 2023.

Batay sa datos, ang nasabing bilang ng mga drug offenders ay nadakip mula sa 17,668 ikinasang operasyon ng PNP laban sa ipinagbabawal na gamot sa loob ng limang buwan.


Kaugnay nito, itinatayang nasa P5.76-Billion ang halaga ng shabu ang nasabat ng mga pulis sa mga nabanggit na operasyon, kaya naniniwala umano si PNP Chief Police General Benjamin Acorda, Jr., na napagtatagumpayanna ng gobyerno ang giyera kontra droga at maging ang ginagawang paglilinis sa buong organisasyon sa mga tiwaling pulis.

Tiniyak pa ni Acorda na mabibigyang gantimpala ang mga pulis na mahusay sa kanilang trabaho, habang mapaparusahan naman ang mga pulis na dawit sa anumang uri ng katiwalian.

Ang pahayag na ito ay kasunod ng resulta ng survey ng OCTA Research Team kung saan lumalabas na mataas ang trust at satisfaction ratings ng PNP base sa resulta ng “Tugon ng Masa” survey, kung saan nakamit ng pambansang pulisya ang 80% trust at satisfaction rating sa unang bahagi ng taong 2023.


Ayon kay Acorda, ang resultang ito ay nagpapatotoo lamang na marami pa rin sa ating mga kababayan ang naniniwalang tinatahak ng pambang kapulisan ang tamang direksyon ng gobyerno sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Nanindigan ang heneral na sa pamamagitan ng institutionalized disciplinary mechanism ng PNP ay tiyak na mas mabilis na mapaparangalan ang mga pulis na mayroong good performance, habang papatawan naman ng mga kaukulang kaparusahan ang mga pulis na gumagawa ng kamalian at paglabag sa mga disiplinang dapat na taglay ng isang alagad ng batas.


Tags: Philippine National Police

You May Also Like