MAY 23 bakuna para sa dengue ang pinag-aaralan ngayon ng Department of Health (DOH) kasabay ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng dinadapuan ng sakit sa buong bansa.
Sinabi ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang 23 bakuna ay nasa emergency medicine list ng
“What we’re doing here in the department would be gathering evidence, studying it, and once we have completed that we’ll be convening our experts,” paliwanag ni Vergeire.
“So we will study this thoroughly para magkaroon tayo ng recommendation para sa’ting Presidente kung saka-sakali.”
Hindi naman niya binanggit kung kasama dito ang kontrobersyal na Dengvaxia na isinusulong ng ilang health sector. Sinabi kamakailan ni Vergeire na isa sa ikinukunsidera nila ang Dengvaxia ngunit kailangan muling sumailalim ito sa masusing pag-aaral.
Nasa kabuuang 64,797 kaso ng dengue na ang naitala mula Enero 1 hanggang Hunyo 25. Mas mataas ito ng 90% kumpara sa naiulat na 34,074 sa kaparehong panahon noong 2021.
Halos lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa Ilocos region at Caraga ay nalagpasan na ang “alert/epidemic threshold” sa nakalipas na apat na linggo. (Anthony Quindoy)













