Isinailalim sa medical at inquest proceding ang 23 crew ng dalawang motorized tanker ng M/T Tritrust at M/T Mega Ensoleillee na hinuli sa illegal oil smuggling.
Tinatawag na “Paihi”operation ang nasabing aktibidad matapos itong masakote ng mga tauhan Manila International Container Port -Custom Intelligence and Investigation Service ( MICP CIIS).
Natimbog ang operasyon habang isinasagawa ang pagsasalin ng mga langis sa barko na may kargang 370, 000 litro ng ‘unmarked fuel’.
Sila ay inabutan sa Navotas fish port at dadalhin sa Navotas Procecutor’s Office para sumailalim sa inquest proceedings. (Bong Son)














