Latest News

23-anyos, nagbigti dahil sa problema sa pamilya

Dala umano ng mabigat na problema sa pamilya, isang 23- anyos na lalaki ang nagbigti , kahapon ng madaling araw sa Punta,Sta.Ana ,Maynila sa loob mismo ng kanyang tahanan.

Ang biktima ay kinilala ni PSSg Rodolfo Acosta, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, na si Gian Carl Tañedo,ng No. 444, 4th floor Tenement Building , Punta,Sta.Ana,Maynila.


Dakong alas-12 ng madaling araw nang madiskubre ng kanyang kapatid na si Yuan Kyle Tañedo ang ginawang pagpapakamatay ng biktima nang puntahan ito sa kanyang kuwarto para yayain sana uminom.

Nagulat na lamang si Yuan Kyle nang makita na nakabigti ang biktima gamit ang nylon cord na itinali sa nakausling hook sa dingding.

Sinabi ni Yuan Kyle na nagkausap pa sila ng kapatid bago ang ginawa nitong pagpapakamatay at sinabi nitong problema sa pamilya ang dahilan kung bakit gusto niyang wakasan ang buhay niya.


Nadala pa sa Sta.Ana Hospital ang biktima pero idineklara itong dead-on- arrival. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like