Latest News

22 WANTED PERSON, HULI SA ISANG LINGGONG OPERASYON NG QUEZON PNP

By: Victor Baldemor Ruiz

Dalawanpu’t dalawang (22) mga wanted person ang nahuli ng mga operatiba ng Quezon Police Provincial Office sa isang linggong manhunt operation na kanilang isinagawa mula Mayo 28 hanggang Hunyo 3, 2023.

Ayon kay PCOL Ledon D Monte, ang pagkakahuli sa mga nasabing wanted persons ay bunga ng kanilang sinserong pagnanais na mas lalo pang mapaganda ang peace and order situation sa lalawigan ng Quezon.

Batay sa datos ng Provincial Operation Management Unit (POMU), mula sa dalawampu’t dalawa (22) na mga wanted person, siyam (9) dito ay nakatala bilang Most Wanted Person samantala ang labingtatlo (13) naman ay nakatala bilang Other Wanted Person.

Sa listahan ng mga Most Wanted Person, apat (4) sa mga nahuli ay nakatala sa Regional Level, isa (1) sa Provincial Level, isa (1) rin sa City Level, at tatlo (3) naman sa Municipal Level.

Batay pa rin sa datus ng POMU, sa nakalipas na linggo, ang Lucena CPS na nakahuli ng apat (4) na mga Wanted Person ang nakapatala ng pinakamataas na huli. Sumunod naman ang Candelaria MPS na nakapagtala ng tatlong (3) huli at Pagbilao MPS na nakahuli ng dalawang (2) wanted personalities.

Tags:

You May Also Like

Most Read