Latest News

22 miyembro ng NCRPO, kinasuhan sa kuwestiyonableng pagkamatay ng high-profile inmates

Sinampahan ng kaaong murder ng National Bureau of Investigation(NBI), ang may 22 miyembeo ng National Capital Region Police Office(NCRPO) dahil kuwestiyonableng pagkamatay ng ilang high profile inmates sa National Bilibid Prison(NBP) noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020.

“We will follow the evidence and leave it to the prosecutors for their appreciation and to act accordingly,” ayon kay NBI Director Eric Distor.


Nabatid na mula Mayo hanggang Hulyo 2020,may 8 high-profile inmates ang namatay sa NBP,kabilqnh na ang convicted drug lord Amin Boratong, Jaybee Sebastian, at ilang Chinese drug lords.

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor),ang mga inamte ay nasawi matapos na.mahawaan ng COVID 19 infections.

Gayunmam,ayon sa isinagawang imbestigasyon ng NBI Death Investigation team ,natuklasan na 3 sa mga inmate ay may nangyaring “foul play” ang pagkamatay.



“Merong natuklasan yung ating Death Investigation Division agents na mukhang merong sistema or merong pamamaraan sila paanong magkaroon nga ng COVID o kaya palabasin na namatay ito sa COVID. May criminal intent,” ayon kay NBI spokesperson at Deputy Director Ferdinand Lavin.

Ginamit lamang umano ang viral diseasr para mai-cover up ang pagpatay sa high profile inmates


Nabatid na mayroon silang mga testigo,maging ang hindi pagkaka tugma ng records ng
BuCor, NCRPO, at ng NBP Hospital.

“Yung site Hari ito yung Building 4 kung saan ginamit nilang parang quarantine facility dun sa nagkaka-COVID. Kahina hinala dahil yung iba wala, hindi nagmanifest ng sintomas. Sinasabi nilang nagpositive at noong patay na noong sinwab test ito ay nag negative,” dagdag pa ni Lavin .



Inihalimbawa pa ang kaso ng inmate
ma si Benjamin Marcelo na inalis ito sa Hari site at dinala sa hospital makalipas ang limang oras.

Ayon sa NBI ,inilabas si Marcelo na nakalagay sa cadaver bag sa halip na sa stretcher. (Arsenio Tan)



Tags: National Bureau of Investigation(NBI)

You May Also Like