Latest News

22 biktima ng human trafficking, nasagip

By: Jaymel Manuel

May 22 katao, kabilang ang tatlong menor de edad ang nasagip sa naganap na operasyon ng mga awtoridad sa Taha Private Warf sa Baliwasan, Zamboanga City.

Ayon sa Justice Department- Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) base umano ito sa report mula sa Naval Forces Western Mindanao (NFWM).

Ang mga nasagip ay dinala sa Women and Children Protection Center – Mindanao Field Unit (WCPC-MFU) para sa masusing imbestigasyon, profiling, assessment, interviews at evaluation at pagkatapos ay dinala sa local Department of Social Welfare and Development Processing Center for Displaced Persons.


Ayon sa NFWM, ang operasyon ay bahagi ng pagsusumikap ng gobyerno, partikular na ang Philippine Navy (PN), laban sa human trafficking.

Bukod sa PN, kabilang ang Women and Children Protection Center – Mindanao Field Unit (WCPC-MFU), Department of Social Welfare and Development IX (DSWD IX), City Social Welfare Development Office- Zamboanga City (CSWDO-ZC) at ang Regional Inter-agency Committee on Anti-Trafficking 9 (RIACAT9) sa nagtultuungan para maging matagumpay ang operasyon.


Tags: Justice Department-Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT)

You May Also Like

Most Read