22-anyos na babae, patay sa sunog sa Tondo

By: Baby Cuevas

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 22-anyos na babae na hindi nakalabas sa kanyang bahay sa kasagsagan ng isang sunog sa lugar na kinatitirikan ng mga bahay ng informal settlers,kamakalawa ng hapon sa Mayhaligue St., Estero de Magdalena, Brgy. 262, Zone 23, Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP ) San Lazaro Fire Station personnel na pinamunuan ni SFO4 Erwin Arabis, nakita ang biktimang si Ashley Lorente, 22, ng No. 1314 Mayhaligue St., Brgy. 262, Zone 23, Tondo, Maynila.

Ayon sa BFP, naganap ang sunog alas- 3:58 ng hapon na tumagal lamang ng 30 minuto matapos ideklarang ‘fireout’ alas- 4:28 ng hapon.


Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa barung-barong na pag-aari ni Stephanie Ajedo.

Nagsasagawa na ng ‘clearing operation’ ang mga tauhan ng BFP nang matagpuan ang biktima na nakahandusay nang patagilid sa kanyang bahay.


Napag-alaman sa BFP na may 50 pamilya ang naapektuhan sa sunog at nasa P50, 000 ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

Patuloy naman iniimbestigahan ng arson division ang sanhi ng sunog.


Tags: Bureau of Fire Protection (BFP)

You May Also Like

Most Read