215 CONGRESSMAN, LUMAGDA SA IMPEACHMENT NI VP SARA

By: Philip Reyes

UMAABOT sa 215 miyembro ng House of Representatives ang pumirma para sa impeachment ni Vice President Sara Duterte nitong Pebrero 5 at ito ay pormal nang inendoso sa Senado.

Kinumpirma ni House of Representatives Secretary General Reginald Velasco sa isang plenary meeting na hindi bababa sa 215 na mambabatas ang lumagda sa ikaapat na impeachment petisyon para matanggal sa puwesto si VP Sara.

Ito ay higit pa sa sapat na bilang na 102 mambabatas, kaya naman maituturing na si VP Duterte ay na-impeach na ng Kamara.


Samantala, itinalaga namang miyembro ng House prosecution panel sina Batangas Rep. Gerville Luistro; Antipolo City Rep. Romeo Acop; 1Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez; Manila Rep. Joel Chua; 4Ps Reps. Raul Angelo Bongalon and Marcelino Libanan; General Santos Rep. Loreto Acharon; Oriental Mindoro Rep. Arnan Panaligan; Taguig City Rep. Isabel Maria Zamora; Iloilo Rep. Lawrence Defensor at Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores.

Ang impeachment complaint ay ipadadala sa Senado, na magsisilbing impeachment tribunal na siyang maglilitis sa bise- presidente, matapos itong aprubahan ni House Majority Leader Jose Manuel Dalipe sa plenaryo.#

Tags: Vice President Sara Duterte

You May Also Like

Most Read