INIULAT ng Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol CHD) na nakapagtala ito ng 21 kaso ng pertussis o ubong dalahit sa apat na lalawigan sa Bicol region.
Naitala umano ang pinakamataas na kaso ng pertussis sa Camarines Sur, kabilang ang isang nasawi dahil sa nasabing sakit.
Sinabi ng DOH- Bicol CHD-Regional Epidemiology and Surveillance Unit na siyam na kaso ang naiulat sa Camarines Sur; anim sa Albay, lima sa Sorsogon at isa sa Masbate.
Ayon kay Marietta Almendral, Barangay Health Worker sa Barangay Sua, Camaligan,ang matinding init ang nagpapapalala ng sintomas ng ubong dalahit partikular na sa mga bata.
Aniya,. importante na magpa-konsulta sa doktor kung ang ubo ay hindi pa nawawala sa loob ng mahigit dalawang araw.
Samantala, hinikayat ng DOH ang. mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa pertussis.














