Latest News

21 K PNP PERSONNEL IKAKALAT NGAYONG UNDAS

By: Victor Baldemor Ruiz

Kahapon pinasimulan na ng Philippine National Police ang deployment ng kanilang mga police personnel para pangalagaan ang mga sementeryo at mga transport terminals bago pa ang paggunita ng sambayanang Filipino ng All Saints at All Souls Day.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo ,”Sa ngayon ay meron na tayong soft deployment pagdating sa pagbabantay natin sa Undas dahil may mangilan-ngilan tayong kababayan na nagpupunta sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Inihayag din ng pamunuan ng PNP na nagdagdag pa sila ng kanilang pwersa na gagamitin para sa pangangalaga sa seguridad ngayong Todos Los Santos.


Nabatid na mula sa inisyal na mahigit 18,000 itinaas na nila sa 21,000 ang ikakalat na mga pulis. Particular s amga places of convergence gaya ng mga ito sa sementeryo, pampublikong mga lugar, terminal, paliparan, at pantalan para sa pagtitiyak ng seguridad.

Sa kabila nang pagdaragdag ng pwersa, nilinaw ni Fajardo na wala naman silang natatangap na validated threat subalit naka heightened alert ang buong puwersa ng Pambansang Pulisya.

Nangangahulugan ito ng 75% na deployment ng kanilang pwersa ngayong Undas 2024.

“By tomorrow hanggang Undas at hanggang long weekend ay more or less aabot sa 21,800 ang ating ide-deploy nationwide kasama na ang mga sementeryo, transport terminals, seaports, at airports


Bukod sa deployment of troops ngayong Undas ay may 4 na libong pulis din ang nanatiling nakatyalaga sa mga lugar na lubhang nasalanta ng Tropical Storm Kristine.

“Maliban po doon sa ating mga tauhan po na more or less ay nasa 4,000 po iyang naka-deploy doon sa mga affected areas, particularly doon sa mga severely affected po like Region V and Region IV-A, partikular diyan sa Batangas ay mayroon din po tayong mga ibinaba using our choppers po. At maliban po sa tatlong choppers po natin na nagdadala po ng mga relief goods po ay iyong ating mga mobility assets katulad po ng mga PNP buses, coasters and MAN trucks na nagagamit po sa mga retrieval operations,” ani Fajardo.

Tags: Philippine National Police

You May Also Like

Most Read