21 BARIL NG TAUHAN NI PASTOR QUIBOLOY, ISINUKO

By: Victor Baldemor Ruiz

UMAABOT sa 21 high- powered firearms ng personal assistant ng puganteng lider ng Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy ang isinuko sa pulisya sa Davao City.

Sa ibinahaging ulat ng Philippine National Police, nakapangalan ang naturang mga armas sa Personal Assistant ni Quiboloy na si Cresente Chavez Canada, na kasalukuyang Barangay chairman ng Barangay Tamayong.


Sinasabing sa pamamagitan ng abogado nito ay isinuko ang mga armas sa loob ng KOJC Compound sa may Phil-Japan Friendship Highway sa Barangay Sasa nitong g Sabado, Mayo 25, 2024.

Magugunitang may 19 na baril umano si pastor Quiboloy subalit lima lamang ang isinuko ng kampo nito dahil naibenta na umano ang 14 na iba pa kung saan kabilang ang nagngangalang ‘Canada’ sa mga nakabili umano ng mga mamahaling baril na pag aari ni Quiboloy.

Una nang sumuko si Canada sa mga otoridad kaugnay pa rin sa kasong kinakaharap nito na paglabag sa Republic Act 7610 o ang Anti-Child Abuse Law, ngunit hindi rin nagtagal ay nakalaya rin matapos siyang makapagbayad ng piyansa.


Tags: Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy

You May Also Like