Latest News

Ang mga nakumpiskang 'fresh mango' ng BPI sa NAIA.

20kg na ‘fresh mango’ dala ng pasahero mula Indonesia, kinumpiska ng BPI sa NAIA

By: Jerry S. Tan

Nasa 20 kgs na ‘fresh mango;’ang kinumpiska ng Bureau of Plant Industry sa Ninoy Aquino International Airport kaninang umaga dala ng isang pasahero mula Indonesia.

Sa impormasyon ng BPI. dumating sa NAIA terminal 1 ang PAL flight PR-536 sakay ang nasabing pasahero dala ang mga sariwang mangga.

Una nang naharang ng Bureau of Customs ang nasabing produkto at agad itong itinurn-over sa quarantine services kung saan nag-oopisina ang mga tauhan ng BPI.


Bigo ang pasahero na magpakita ng permit sa dala nitong mangga, dahilan para kumpiskahin ito, dahil sa pinangangambahang peste na dala nito na maaring makakaapekto sa mga pananim ng mga magsasaka sa bansa.

Ang nasabing produkto ay dadalhin ng BPI sa kanilang facility para sa tamang disposal.


Tags: Ninoy Aquino International Airport

You May Also Like

Most Read