Latest News

2025 NLE CAMPAIGN PERIOD, MAGSISIMULA NA

By: JANTZEN ALVIN

AARANGKADA na sa Pebrero 11 ang campaign period para sa 2025 National and Local Elections (NLE).


Ayon sa inilabas na calendar of activities ng Commission on Elections (Comelec), magsisimula ang panahon ng kampanyahan para sa mga tatakbo sa national positions, kabilang na sa pagka-senador at partylist group sa Pebrero 11, Martes.

Samantala, ang campaign period para sa mga tatakbo sa local positions, kabilang dito ang mga miyembro ng Kongreso, provincial, city at municipal officials, ay magsisimula naman sa Marso 28.

Sinabi ni Comelec Chair George Erwin Garcia na magtatagal ang panahon ng kampanyahan hanggang sa Mayo 10 lamang o dalawang araw bago ang election day sa Mayo 12.


Nagpaalala din si Garcia sa mga kandidato na hindi maaaring mangampanya sa Huwebes Santo, Abril 17, at Biyernes Santo, Abril 18.

Mahigpit rin ang habilin ng Comelec sa mga kandidato na tumalima sa mga inilabas nilang gabay at panununtunan sa pangangampanya upang makaiwas sa parusa at posibleng diskuwalipikasyon.


Tags: Comelec Chair George Erwin Garcia

You May Also Like