Sa Setyembre 2023 gagawin ang susunod na Bar Examinations sa bansa.
Ayon sa Supreme Court, nananatiling “digitalized at regionalized” at naka-schedule sa.Setyembre 17, 20 at 24.
Napag-laman na ang 2022 Bar exams ay ginawa ng apat na araw noong nakalipas na buwan, habang ang 2020-2021.bar exams ay ginawa naman ng dalawang araw noong Pebrero.
“The rationale is both practical and societal: an earlier conduct of examinations means an earlier release of examination results; successful Bar examinees can commence their practice of law as early as December 2023,” nakasaad sa press.release ng Office of the Bar Chair.
“New lawyers may begin contributing to their families and to society as new members of the Bar in the same year they graduated from law school,”dagdag pa ng OBC.
Anim na asignatura ang sakop ng eksamin kung saan dalawang subject ang eksamin kada araw.
Ang nasabing examinations ay binubuo ng maximum na 20 “straightforward, entry-level questions, in essay-type form.” Ito ay ga-graduhan mula 0 hanggang 100% o 5% kada tanong.
Nabatid na may 9,800 law students ang kumuha ng 2022 bar exams noong Nobyembre, habang ang 2020-2021 Bar exams ang kauna-unahang digital exam kung saan 8,241 law graduates ang pumasa mula sa may 11,402 kumuha ng exam. (Anthony Quindoy)