2015 departure formalities guidelines susundin — IACAT

By: JANTZEN ALVIN

Ibabalik ng Inter-Agency Council Against Human Trafficking (IACAT) ang 2015 departURE formalitieS guidelines.


Ito ay matapos NA opisyal na suspindihin ng IACAT ang kontrobersiyal na 2023 Revised Guidelines on Departure Formalities sa International-Bound Filipino Passengers.

Ayon kay Justice Assistant Secretary and spokesperson Atty. Mico Clavano, ang desisyon na suspindihin ang 2023 Revised Guidelines ay ginawa sa special council meeting nitong Setyembre 2,2023 na may layuning matugunan ang mga reklamo kaugnay sa bagong guidelines.

Niresolba rin sa ginanap na pulong, ang pagrebisa ng IACAT sa 2023 guidelines at palawakin pa umano ang information at education campaign para matugunan ang ‘concerns’ ng publiko.


Iginiit ng DOJ na sa kanilang desisyon ay nasasalamin ang dedikasyon ng IACAT na. maproteksiyunan ang mamamayan sa trafficking at makatiyak na may ‘transparency’ sa protective measures.

Sa ginanap na open forum, inaprubahan ng lahat ng ahensiyang miyembro ang resolusyon para panatilihin ang kanilang adhikain na malabanan ang human trafficking at layunin ng guidelines na ma-proteksiyunan ang mga Filipino mula sa ‘exploitation’.


Kinikilala rin ang kahalagahan ng karapatan ng bawat indibiduwal na makapag-biyahe na may national security.


Tags: Inter-Agency Council Against Human Trafficking (IACAT)

You May Also Like