Latest News

20,000 personnel ng PCG, ikakalat sa mga daungan sa Semana Santa

May 20,000 personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilakalat sa mga daungan sa bansa sa darating na Semana Santa.

Sinabi ni PCG Spokesman Rear Admiral Armand Balilo na ito ay bilang paghahanda sa pag-uwi ng maraming tao sa mga lalawigan ngayon Holy week at para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Ayon kay Balilo,bahagi umano ito ng ‘Oplan Biyaheng Ayos:Semana Santa 2023″.


Kasabay nito, Iniutos na rin ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu na ilagay sa heightened alert simula Abril 2 Hanggang 10 ang buong puwersa ng PCG.

Layunin nito na matiyak na magiging maayos ang maritime operations at magiging kumportable Ang biyahe ng mga uuwing mamayan sa kani-kanilang probinsiya at ang mga bibisitang turista sa mga tourist spots sa bansa.

Kabilang sa mga idi deploy na puwersa ng PCG, ang kanilang mga k9 units, medical teams, security personnel, harbor patrollers, vessel inspectors, at response groups. (Arsenio Tan)


Tags: Philippine Coast Guard (PCG)

You May Also Like

Most Read