Latest News

2,000 MPD personnel, ikakalat sa Rizal Park sa paglulunsad ng ‘Bagong Pilipinas Program’ ni PBBM

By: Baby Cuevas

Aabot sa may 2,000 miyembro ng Manila Police District (MPD) ang ikakalat sa Rizal Park at Quirino Grandstand sa paglulunsad ng ‘Bagong Pilipinas Program’ ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Enero 28,2024.

Sinabi ni PMaj. Philipp Ines, hepe ng MPD-Public Information Office,na inaasahan na aabot sa 150,000 ang bilang ng tao na pupunta sa Rizal Park para dumalo sa ililunsad na programa.

Nabatid na. pinaplantsa na ang seguridad sa lugar lalo na at dadalo si Pangulong Marcos.


Ayon kay Ines, may 300 pulis-Maynila ang itinalaga ni MPD Director Arnold Thomas Ibay na magbabantay sa mga magtatangka na magsagawa ng kilos- protesta.

Napag-alaman na malaki din ang papel na gagampanan ng mga barangay officials sa Bagong Pilipinas Program partikular na sa programang may kinalaman sa kalinisan.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Ines na wala naman silang namu-monitor na anumang banta sa seguridad sa lugar.


Tags: Manila Police District (MPD)

You May Also Like

Most Read