Latest News

200-pisong monthly allowance ng pamahalaan sa “poorest of the poor”, kulang na kulang-Simbahan

HINDI kuntento ang Simbahang Katoliko sa P200 buwanag ayuda sa pamilyang kabilang sa “poorest of the poor”.

Ayon kay Father Anton CT Pascual – Pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng Caritas Manila, mas importante ang pagkakaroon ng mga livelihood programs at skill-based training sa mga pamayanan upang matulungan at mabigyan ng kabuhayan at trabaho ang mahihirap.

Gayunman,kinilala at ikinagalak din ni Pascual ang inisyatibo ng pamahalaan upang matulungan ang mahihirap upang sila’y makakain ng tatlong beses sa isang araw.

“Tayo po ay natutuwa na ang gobyerno ay tumutugon sa problema ngayon ng pag-taas ng gasolina at alam po natin na tataas ang lahat ng bagay lalu na yung pagkain at ang maapektuhan ay yung mahihirap, kaya yung dalawang daan kada buwan na ibibigay sa mahihirap ay isang welcome program stop-gap na tinatawag ng pamahalaan,” ani Fr.Pascual .

Sa kabila nito, iginiit ni Fr.Pascual na kulang ang dalawang 200-piso kada buwan na ayuda ng gobyerno.

“Kaya mahalaga din na mabigyan ng pagkakataon ang mga mahihirap na magkaroon ng other livelihood opportunities at yaan ay magandang programa ng pamahalaan sa lebel ng Baranggay na ang mga mahihirap ay maipon at bigyan ng massive skills training na puwede nilang gamitin sa pagnenegosyo o sa pagtatrabaho” dagdag ni Fr.Pascual.

Sinabi pa ni Pascual na mayroong mga kooperatiba at micro-finance institutions na maaring hiraman o magpahiram sa mamamayan ng pansimulang puhunan sa kanilang pagtatayo ng maliit na negosyo. (Jaymel Manuel)

Tags:

You May Also Like

Most Read