200 pamilya nawalan ng bahay; fire volunteer sugatan sa sunog sa Happyland

By: Baby Cuevas

Itinatayang nasa mahigit 200 pamilya sa isang residential area ang nawalan ng bahay at isang fire volunteer ang nasugatan matapos na sumiklab ang sunog kahapon ng madaling araw sa Happyland, Tondo, Maynila.

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas- 3:09 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.


Umabot ng ika-apat na alarma ang sunog at naideklarang fireout alas-6:57 ng umaga.

Kinilala ang fire volunteer na nasugatan na si Christian Gracio , fire volunteer sa Smokey Mountain na nagkaroon ng hiwa sa kaliwang braso, habang nawalan naman ng malay si Jessary Diestro, 16, dahil sa asthma nang makalanghap ng usok at mabils na isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABBMC)

Patuloy namang inaalam ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian.


Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like