AABOT sa may 20 driver ng mga UV Express ang natikitan ng Law.Enforcememt Group ng Land Trnaspprtation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kahapon ng umaga sa may Kalaw St.,Ermita,Maynila.
Nabatid na ang mga UV Express driver na naisyuhan ng tiket ay may biyaheng Southmall sa Las Piñas-Lawton sa Maynila dahil sa ibat ibang paglabag gaya ng overpricing.
Nalaman na sumisingil ang mga driver ng P70, hanggang P80. Kada tao para sa may 11 kilometrong layo na dapat ay P2. lamang kada kilometrong layo.
Habang ang ilan naman ay walang naka-display na QR code na kasama umano sa ibinibigay sa mga operator sa pagrehistro ng kanilang sasakyan para maipasada
Nalaman na may multang P5,000 ang multa sa unang paglabag hanggang sa pag kansela ng prangkisa sa ikatlong paglabag.
Gayundin,ipatatawag ang kanilang mga operator. (Carl Angelo)














