20 SUGATAN SA MAGNITUDE 6.4 EARTHQUAKE NA TUMAMA SA ABRA

NASA 20 katao ang sinasabing nasaktan bunsod ng magnitude 6.4 earthquake na yumanig sa Abra kamakalawa ng gabi.

Subalit ang inisyal report na pumasok at kasalukuyang bina-validate ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ay nasa lima pa lamang ang reported na sugatan ayon kay Asec Bernardo “Raffy” Alejandro IV.


Sinasabing hindi bababa sa 10 indibidwal ang napaulat na nasugatan sa magnitude 6.4 na lindol sa Abra. Ayon sa datos ng Abra Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, anim sa nasugatan ay naitala sa bayan ng Lagayan; isa sa San Quintin at tatlo sa San Juan.

Samantala umabot hanggang Ilocos norte ang epekto ng lindol na sumentro sa Tineg, Abra kung saan sa lungsod ng Laoag ay may 10 karpintero ng Dap-ayan Commercial Building na proyekto ng provincial government ang sugatan nag mag panic at magtakbuhan ang mga tao palabas.

Sa panayam kay Abra Governor Dominic Valera na apat sa mga biktima sa Lagayan ay nadaganan ng gumuho nilang bahay.Ilang bahay naman ang nasira sa bayan ng Tineg kung saan apektado rin ang suplay ng kuryente.


Kinansela na rin ang pasok sa eskwela at trabaho kahapon araw ng Miyerkules para bigyang-daan ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga gusaling posibleng napinsala ng lindol.

Karamihan naman sa mga residente ang nagpalipas ng gabi sa labas ng kanilang mga bahay dahil sa takot sa mga aftershocks na sinasabing umabot na sa 436 ayon sa ulat ng PHIVOLCS.


Gumuho ang bahagi ng isang simbahan sa La Paz, Abra matapos yanigin ng magnitude 6.4 na lindol ang lalawigan.

Ayon kay Capt. Ron Eslabra, officer-in-charge ng La Paz PNP gumuho ang tore ng Iglesia Filipina Independiente sa kanilang lugar at maging ang kanilang himpilan ay nagkabitak bitak.


Sa inisyal na ulat ng ahensya, dalawang imprastraktura ang nasira sa bayan ng Allacapan habang dalawang kalsada rin ang nakitaan ng mga bitak.

Sa bayan ng Sarrat, may mga nasira ring bahagi ng isang simbahan sa Sta. Monica Church tulad ng pagbagsak ng mga bricks at pagkasira ng lumang kumbento at bell tower ng naturang simbahan.

Kasama rin sa nasira ay ang imahe ni Hesukristo kung saan natanggal ang kaliwa nitong kamay dahil sa pagkatumba at pagkabasag nito.



Maliban dito, nasira rin ang welcome arc sa bayan ng Marcos at dahil sa lakas ng lindol ay pumagitna pa sa kalsa ang isang bus.

Sa Barani-Ben-agan Bridge sa Batac at Batac-Banna Road ay temporaryong isinara dahil sa nagkabitak na lupa at kalsada.

Napag-alaman din na may mga natumbang mga medical oxygen at iba pang medical equipments sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center.

Liban nito may mga nasira at gumuho ring bahagi ng nasabing ospital. Dahil din sa lakas ng lindol, hindi rin nakaligtas ang Marcos Photo Gallery sa lungsod rin ng Batac kung saan nagbagsakan ang mga semento na bahagi ng nasabing gusali.

Dahil sa pangyayari, agad na naglabas ng anunsiyo si Gov. Matthew Marcos Manotoc kagabi na suspindihin ang klase sa lahat ng antas sa parehong pampubliko at pribadong paaralan at maging ang pasok sa trabaho sa lahat ng mga opisina ng gobyerno sa lalawigan.

Noon lamang Hulyo nang tumama ang magnitude 7.0 na lindol sa Tayum, Abra kung saan 11 ang nasawi at higit 600 ang nasugatan.

Samantala, nakatakdang magtungo ngayong araw sa Abra si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo upang maghatid ng tulong sa mga apektado ng lindol. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC)

You May Also Like