Latest News

20 PATAY SA NAKALIPAS NA 2025 MIDTERM POLLS

By: Victor Baldemor Ruiz

ITINATAYANG nasa 20 katao ang nasawi sa katatapos na 2025 May midterm polls sa buong bansa habang nasa 31 naman ang inulat na nasaktan na inuugnay sa nagdaang halalan, ani PBrig General Jean Fajardo PNP spokesperson.

May 49 suspected election-related incidents ang na-validate na ng PNP habang may 51 pang insidente ng karahasan na naganap noon mismong araw ng botohan ang kasalukuyang bina-validate ng kapulisan.


Magugunitang una nang sinabi ni PNP chief General Rommel Francisco Marbil na mailalarawan na ‘generally peaceful’ ang 2025 midterm elections, lalo pa at walang naitalang failure of election saan mang panig ng bansa.

Sa likod ito ng mga naitalang karahasan sa Cordillera Autonomous Region at Bangasamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Kaugnay ng katatapos na May 12, 2025 midterm election ay ipinagmalaki ng PNP na mas mababa ng 53 porsyento ang naitalang election-related incidents sa katatapos na halalan, kumpara sa 105 insidente na naitala noong 2023, bagama’t masasabi namang mas mataas ang bilang ng naitalang ERIs ngayon kumpara sa 27 na inulat noong 2022 presidential elections.


Pinakamaraming naitalang karahasan sa Cordillera Administrative Region na may 15 ERIs kasunod ang BARMM na may walong insidente, habang anim naman sa area ng Calabarzon.

Bagamat may mga naiulat na insidente sa ilang lugar gaya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM at lalawigan ng Abra, ito ay mga ‘isolated cases’ lamang umano at agad namang inaksyunan ng ating mga kapulisan,” ani PNP Public Information Office chief Col. Randulf Tuaño.


Aniya, ang mababang bilang ng ERIs ay bunga ng pina-igting na security operations, close coordination sa Commission on Elections (Comelec) at sa Armed Forces of the Philippines (AFP), at ang maagap na deployment ng kapulisan sa mga natukoy na election areas of concern.

“Ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas…ay buong puwersa ang ibinuhos — mula sa mahusay na deployment, sapat na kagamitan, matinding pagsasanay, at mahigpit na koordinasyon sa Comelec, Armed Forces of the Philippines, local government units at iba pang mga katuwang na ahensya,”dagdag pa ni Tuaño.


“Ang 53 percent na pagbaba ng ERIs ay patunay ng mas pinaigting, mas pinagtibay at mas pinagbuklod na pagbabantay ng PNP lalo na sa mga lugar na itinuturing na areas of concern,” paliwanag ng opisyal.

Tags: PBrig General Jean Fajardo PNP spokesperson

You May Also Like