Camp Guillermo Nakar, Lucena City – Bunga ng pinaigting na pagpapatupad ng Quezon Police Provincial Office ng special laws, dalawampung (20) indibidwal ang naaresto sa iba’t ibang kampanya laban sa ilegal na Gawain.
Sa isinagawang operasyong kampanya laban sa droga, arestado ang (2) dalawang suspek ng Lucena PNP sa Brgy. Silangang Mayao, Lucena City sa kasong paglabag sa RA 9165.
Samantalang sa mas pinalawak na kampanya laban sa ilegal na sugal; (2) ang arestado dahil sa paglalaro ng Dice sa Unisan, Quezon at labing-isang (11) indibidwal naman ang naaresto din sa magkahiwalay na operasyon sa Burdeos, Quezon at Tayabas City dahil sa bingo.
Sa ibang paglabag naman ng special laws, arestado ang limang indibidwal dahil sa Ilegal Logging, Ilegal na pangingisda, at paglabag sa PD 705 sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa sa Jomalig, Calauag, Patnanungan, at Infanta, Quezon.
“Ang katahimikan at kaayusan ay isa sa pangunahin nating layunin kung bakit natin mas pinalalawak ang bawat operasyon sa buong lalawigan. Ang patuloy na regulasyon ng ating mga kampanya at programa ay salamin ng ating walang sawang paggampan ng ating sinumpaang tungkulin, lalo na sa pagpapanatili ng maayos at payapang paggunita ng Semana Santa ng ating mga kababayan,” ika ni PCOL JOEL A VILLANUEVA, Provincial Direktor ng Quezon PPO. (Victor Baldemor)