Latest News

20 jail guards sa NBP, ni relieve sa puwesto dahil sa nawawalang PDL

By: Baby Cuevas

May 20 jail guards sa New Bilibid Prison (NBP) ,ang tinanggal sa puwesto para imbestigahan kasunod ng pagkawala ng isang person deprived of liberty (PDL) na si Michael Angelo Cataroja noong Hulyo 15.

Ginawa ni Catapang ang pahayag kasunod ng pahayag ng ina ni Cataroja na gusto nya itong isuko sa isang senador.

“Mayroon tayong stakeout sa Angono, Rizal kung nasaan ang bahay ng nanay ni Cataroja. May development din don. Sinasabi ng mga tao, at of course sa interview ng nanay ni Cataroja ay gusto raw isuko,” ayon kay Catapang.


Ayon kay Catapang, ang mga nabanggit na jail guards na hindi muna kinilala dahil sa isinasagawang imbestigasyon ay naka-duty nang mawala si Cataroja.

Posible rin umanong nakatakas si Cataroja sa pamamagitan ng pagsakay sa garbage truck.

“Medyo ‘Mission Impossible.’ Ang sinasabi nila sumakay daw sa basurahan. Marunong ito kumalikot ng sasakyan. Kumbaga kahit walang susi kaya n’ya — carnapper po kasi ito eh,” dagdag ni Catapang .

Samantala, inianunsiyo rin ni Catapang na ibinaba sa P1, 000 mula sa dating P2, 000 ang cash na maaring gastusin ng isang PDL.


Tags: New Bilibid Prison (NBP)

You May Also Like

Most Read