By: Jantzen Alvin
Dalawampung Chinese nationals na scammers ang naaresto ng National Bureau of Investigation -Special Task Force kasunod ng isinagawang pagsagip sa isang Tsino na iligal na idlinetine ng kanyang employer, kamakailan sa isang POGO company sa may Aseana 3, West Tower, 8912 Avenue, Paranaque City.
Ayon Kay NBI Director Judge Jaime Santiago,nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4(b)(1) (Social Engineering Schemes) of R.A. No. 12010 (Anti-Financial Account Scamming Act) in relation to R.A. No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).
May idinagdag na kaso ang NBI laban sa naarestong si Lou Zhi Tao na may alyas na “Ren Jia,” na kasong paglabag sa Article 267 (Serious Illegal Detention) ng Revised Penal Code (RPC) dahil sa reklamong kidnap ng misis ng idinetine na empleyado.
Ang operation ay nag-ugat sa reklamo ng asawa ng isang kinidnap na Chinese national kung saan ang kanyang asawa ay pinagtrabaho umano bilang isang Customer Service Representative (CSR) sa POGO company na may trade name na LWE, nang labag sa kanyang kagustuhan.
Noong Pebrero 25,2025 ni- raid ng NBI ang nabanggit na POGO company, dahilan para maaresto si Lui Zhi Tao at doon nadiskubre ang scam hub kung saan ang mga dayuhan ay sangkot sa online scamming activities.
Ini-inquest ang mga suspek kaugnay sa paglabag sa AFASA law sa Paranaque Prosecutors Office.














