UMABOT sa may 20 service firearms ang nabawi ng mga tauhan ng Manila Police District(MPD) mula sa kanilang mga kabaro na nadismiss at nag Absent Without Leave (AWOL) sa kanilang tungkulin.
Ayon sa Public Information Office, ang “Oplan Bawi” ay sinimulan noong Marso 4-6 .
Nabatid na ang mga nabanggit na servuce firearms ay pag-aari ng mga dating pulis at nag- AWOL na pulis na hindi ibinalik sa Philippine National Police (PNP) noong maalis sila sa serbisyo.
Ito ay upang matiyak na hindi na magagamit sa mga iligal na gawain ang mga naturang armas.
Ang Oplan Bawi ay bahagi rin ng kampanya ng PNP na matiyak na magkakaroon ng mapayapang halalan sa Mayo 9.