Sugatan ang isang 20-anyos na babae matapos aksidenteng masagasaan ng isang sasakyan na biglang huminto habang nagma-maniobra ng pagparada, kahapon ng umaga sa harap ng BDO branch sa northbound ng Rizal Avenue corner Alvarez St., Sta. Cruz, Maynila.
Ayon sa Manila District Traffic Enforcement Unit(MDTEU), ang biktima ay nakilalang si Deceline Sorilla, taga 1283 int 22 tambunting St Sta Cruz, Maynila.
Kinasuhan naman ng Reckless Imprudence resulting in Physical Injury ang suspek na si Rodrigo Lagina, Jr., 29 ng 10 Rivera St Barangay 236 Tondo at driver ng Nissan Navarra na may plate number UPQ- 978.
Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas -10:15 ng umaga habang nagmamaniobra ang suspek ng kanyang sasakyan na ipaparada. Biglang himinto ang makina at umabante ang sasakyan, dahilan para masagasaan ang biktima.
Isinugod ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) para mabigyan ng lunas.














