20-ANYOS NA BINATA, NIRATRAT, PATAY

By: Baby Cuevas

Dagliang nasawi ang isang 20-anyos na binata matapos barilin ng siyam na beses ng di pa nakikilalang ‘gunman’ na nakasakay umano sa isang kotse ,kahapon ng madaling araw sa may Delpan bridge sa Tondo,Maynila.

Ang biktimang nakilalang si Lenard Musa y Antonio, ng No. 305 Valderama St., Brgy. 28 Binondo, Maynila ay nasawi dahil sa tama ng bala aa iba’t-ibang bahagi ng katawan .

Ayon kay PCapt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District -homicide section, naganap ang insidente alas- 4:45 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.


Sa salaysay ng mga bystander, nakarinig umano sila ng sunod-sunod na putok mula sa suspek na nakasakay sa isang kulay pulang kotse na tumakas papuntang Bonifacio Drive Iniwan nitong duguan at wala nang buhay ang biktima.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng suspek.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read