Latest News

2 Yakuza, tiklo sa higit 100M Yen sa NAIA

HINDI nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang Japanese nationals nang tangkaing ipuslit papasok sa bansa ang mahigit 100 milyon Japanese yen, nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 sa lungsod ng Pasay.

Kinilala ang dalawang Japanese passengers na sina Yuzuru Marumo at Masayuki Aoyagi, pawang nasa hustong-gulang na galing sa Narita, Japan.

Ang pagkakaaresto sa mga suspek nagdulot ng komosyon sa may customs arrival area nang pumasok sa ‘eksena’ ang ilang armadong katao na nagpakilalang miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na humarang sa dalawang dayuhan na may dalang JPY100,645,000 milyon yen na may katumbas sa halagang P44,833,486.00 milyong piso.


Sa ulat, bago naganap ang insidente nakatanggap ng intelligence report ang CIDG mula sa InterPol na mayroong dalawang Japanese nationals ang darating sa NAIA galing Narita, Japan na may dalang ‘huge’ amount ng foreign currencies at agad ipinaalam ito ng CIDG sa Customs authorities ng Port of NAIA.

Pagdating ng mga suspek sa airport lulan ng Philippine airlines PR flight 427, sinalubong ang mga ito ng apat na airport policemen at nang tanungin ng Customs examiner sa customs area kung mayroon silang idedeklarang bagahe na babayaran sumagot ang mga ito ng ‘wala’.

Pinabuksan ng mga otoridad ang isang backpack at small black luggage kina Marumo at Aoyagi kung saan bumulaga sa kanila ang bulto-bultong Japanese yen.

Sa report, ang mababa o mas mataas na katumbas ng P50 milyong piso, kailangang kumpiskahin sa panig ng gobyerno bilang paglabag sa Bangko Sentral ng Pilipinas rules and regulations at Customs Modernization Act, gayunpaman, binigyan ng pagkakataon ang mga suspek na depensahan ang kanilang pag-aari sa tulong ng kanilang abogado.


Ayon sa ulat, kabilang ang dalawang suspek sa kilabot na Yakuza Gang nang makita sa kanilang buong katawan ang tadtad na tattoo na sinasabing palatandaan ng maimpluwensiyang organisasyon sa Japan.

Tags:

You May Also Like

Most Read