Latest News

2 winning party-list groups, di muna iprinoklama ng Comelec dahil sa kaso

By: Baby Cuevas

By: JANTZEN ALVIN

DAHIL sa nakabinbing kaso, hindi muna itinuloy ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng dalawang party-list groups na nagwagi ng puwesto sa Kongreso, sa katatapos na May 12 midterm polls.


Sinabi ni Comelec chairman George Garcia na ang mga naturang party-list groups na hindi muna iprinoklama ay ang Duterte Youth na nakakuha ng tatlong puwesto at ang Bagong Henerasyon, na nakakuha naman ng isang puwesto.

Bago ang proclamation ng party-list winners, nilinaw ni Garcia na ang suspensiyon ay hindi nangangahulugang hindi na maipo-proklama ang mga naturang grupo.

Aniya, maaantala lamang ang proklamasyon hanggang sa sandaling maresolba na ang kinakaharap nitong kaso.


“Kung hindi sila maproklama mamaya (Lunes, Mayo 19), hindi nangangahulugang hindi na sila mapoproklama sa mga susunod na araw. Kaya lang pinagpaliban muna bilang pagrespeto ng proseso rin,” paliwanag ni Garcia.

Samantala, ang proklamasyon para sa party-list groups na nagwagi sa midterm polls ay idinaos kahapon ng hapon sa The Manila Hotel, Tent City.


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like