Latest News

2 wanted, arestado ng MPD sa Quiapo at Antipolo

Arestado ng.mga tauhan ng Manila Police District(MPD), ang dalawang wanted sa kasong iligal na droga at rape sa magkahiwalay na operasyon kamakalawa sa Quiapo at Antipolo City.

Sa ulat ng MPD,unang naaresto si Oscar Alberto Jr., Y Tolentino , 58 at taga 98 Chica St.Quiapo,alas 2 ng hapon.malapit sa kanyang bahay.

Dala ang arrest warrant na inusyu ni Hon.Caroline Tobias , Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 7 na may petsang Disyembre 1,2021 para sa kasong paglabag sa Section 11 , Article ll ng Repiblic Act 9165 o Dangerous Drug Act of 2022.


Nabatid na may hatol na 3 taon pagkabilanggo at inatasan na magmulta ng P10,000 si Alberto.

Samantala, sa Antipolo City Jail naman isinilbi ang warrant.of arrest laban kay Jake Bassig Y Quilang na nasa Top 1 most wanted dahil sa kasong Rape na may kaugnayan sa paglabag sa Republic Act na sinususugan ng R.A 8353 kaugnay ng 266 ( b) par 6 number 1 paglabag sa 7610 section 5( B) Article 3.


Walang inirekomendang piyansa si Presiding Judge Maria Christina D.R Rosario – Oseteo, ng Cainta RTC Branch18. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District(MPD)

You May Also Like

Most Read