Dalawang vintage bomb ang natagpuan sa hinuhukay na bahagi ng National Museum complex, kamakalawa ng gabi sa Taft Avenue, Ermita, Maynila.
Ayon sa ulat ng Manila Police District-District Explosive and Canine Unit (MPD-DECU), tinamaan ng back hoe ang Isang 75mm HE at Cartridge, 27mm.
Lumabas sa imbestigasyon na alas- 6 ng gabi nang tumawag sa DECU si Christopher Basilio, Security Officer ng National Museum Complex, at sinabi na may nahukay na dalawang vintage bomb.
Ang dalawang vintage bomb ay nadiskubre ni Ranniel Gara, backhoe operator, ng 401 Construction and Development Corporation, habang naghuhukay sa lugar.
Maingat namang kinuha ng mga tauhan ng DECU ang 2 vintage bomb para sa kaukulang disposisyon ng mga ito.