Latest News

Troops prepare for the loading of relief packs on the U.S. Marine Corps KC-130J Hercules aircraft for the affected communities of the Masara Landslide in Mindanao. (Photos by 1Lt Oscar Franquez/JUSMAG)

2 US AIR ASSETS, AAYUDA SA AFP SA PAGTULONG SA MINDANAO LANDSLIDE VICTIMS

By: Victor Baldemor Ruiz

PAGTUTULUNGAN ng United States Armed Forces at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paghahatid ng tulong sa mga biktima at mga apektadong komunidad ng Masara landslides sa Mindanao gamit ang dalawang U.S. Marine Corps KC-130J Hercules aircraft.

Relief packs from the Department of Social Welfare and Development are to be transported by the U.S. Marine Corps KC-130J Hercules aircraft to the affected communities of the Masara Landslide in Mindanao. (Photos by 1Lt Oscar Franquez/JUSMAG)

Dalawang USMC KC-130 aircraft ang naka-station ngayon sa Villamor Air Base habang pinoproseso, tinitimbang at ikinakarga ang mga supplies na dadalhin sa mga apektadong lugar.

Napag-alamang target ng dalawang dambuhalang cargo planes na makapag-deliver ng kargamento ng apat na beses kada araw para matiyak na magkakaroon ng tuloy-tuloy na supplies.

Sa ibinahaging ulat ng AFP at maging ng U.S. Embassy, aayuda umano ang mga tauhan ng U.S. Marines mula sa III Marine Expeditionary Force sa ongoing disaster relief mission katuwang ang mga tauhan ng Marine Air Group 12, 1st Marine Aircraft sa pamamahagi ng mga essential supplies.

Ang magkatuwang na Humanitarian Assistance and Disaster Relief operation ay tampok sa shared commitment ng dalawang magka alyadong bansa na ipinakita sa katatapos na US-PH Maritime Cooperative Activity (MCA).

Tags:

You May Also Like

Most Read