Latest News

2 truckloads na tulong, ipapamahagi ng Caritas Manila sa Northern Luzon quake victims

Umaabot sa 2.3-milyong pisong halaga na tulong ang ipapamahagi ngayon ng Caritas Manila sa mga nasalanta ng 7.3-magnitude na lindol sa lalawigan ng Abra at iba pang karatig na lalawigan.

Ayon kay Father Anton CT Pascual – Caritas Manila Executive Director at Pangulo ng Radio Veritas 846, isasagawa ang pamamahagi ng tulong ngayong araw sa Arcdiocese of Nueva Segovia.

“Caritas loaded two trucks today for earthquake with the following items: For Nueva Segovia, Ilocos sur: Tent – 150 pcs, Mosquito Net – 300 pcs, Trapal with rope – 150 pcs, Blanket – 150 pcs, Mat – 150 pcs, Jerry can – 300 pcs, Pail w/ cover – 150 pcs, Washable facemask – 1,500 pcs,” pahayag ni Father Pascual.

Sinabi ni Father Pascual na isang truck naman na tulong ang nakalaan para sa Diocese of Bangued sa Abra kung saan naitala ang epicenter ng lindol.

“For Bangued Abra: Tent – 150 pcs, Mosquito Net – 300 pcs, Trapal with rope – 150 pcs, Blanket – 150 pcs, Mat – 150 pcs, Jerry can – 300 pcs, Pail w/ cover – 150 pcs, Washable facemask – 1,500 pcs” ayon pa sa mensahe ni Father Pascual.

Unang tiniyak ng mga Social Action Centers ng ibat-ibang diyosesis ang pagtulong sa mga lugar na lubhang napinsala ng lindol.

Kahapon ika-31 ng Hulyo ay nagsagawa ang Diocese of Kidapawan at Archdiocese of Manila ng special collection sa lahat ng misa upang makalikom ng pondong ipapadala sa mga nasalanta ng 7.3 magnitude na lindol.

Samantala, tiniyak ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need (ACN) Philippines ang pananalangin at pakikiisa sa lahat ng mga naapektuhan ng 7.3-magnitude na lindol sa Abra noong ika-27 ng Hulyo, 2022.

Ayon kay ACN Philippines President, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, nakahanda ang sangay ng Aid to the Church in Need sa bansa na maging daluyan ng biyaya at pag-asa para sa mga biktima ng malakas na pagyanig sa Northern Luzon.

Tiniyak ni Archbishop Villegas na maging tagapamagitan ang CAN ng mga nagnanais na magpaabot ng tulong at ayuda sa mga diyosesis na naapektuhan ng lindol.

“Prayers. Solidarity. If the faithful want to help we are willing to be a conduit to reach the bishops and most devasted areas,” pahayag ni Archbishop Villegas.

Puspusan na rin ang isinasagawang pagtulong ng mga institusyon ng Simbahang Katolika sa pangunguna ng Caritas Philippines at Caritas Manila sa mga mamamayan na naapektuhan ng lindol.

Unang nagpadala ng ‘in kind’ donations ang Caritas Manila sa mga naapektuhan ng lindol sa Archdiocese of Nueva Segovia at Diocese of Bangued sa Abra na nagkakahalaga ng ?2,299,500.00.

Unang nanawagan ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na Caritas Philippines sa bawat isa ng pagmamalasakit, pagbabahagi at pag-aalay sa kapwa. (Jantzen Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read