Latest News

2 Terorista, Patay sa Magkahiwalay na Operasyon ng Militar

By: Victor Baldemor Ruiz

PATAY ang dalawang terorista sa magkahiwalay na operasyon ng militar sa mga lalawigan ng Maguindanao del Norte at Sultan Kudarat.

Ayon kay Brigadier General Romulo Quemado II, Commander ng 1st Marine Brigade, napatay si Norsaidie Samo Tato, miyembro ng Tato Group – isang kilalang armadong grupo na sangkot sa mga gawaing kriminal sa lugar – sa engkwentrong naganap dakong alas-5:00 ng umaga nitong Abril 18, 2025 sa Barangay Meti, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Ang naturang operasyon ay isinagawa ng mga tropa ng Marine Battalion Landing Team – 5 (MBLT5) kasama ang pulisya at iba pang security agencies.


Nasamsam sa pinangyarihan ng engkwentro ang iba’t- ibang uri ng armas at kagamitan kabilang ang isang shotgun, isang Springfield Armory caliber .45 pistol, at isang caliber .22 pistol na may scope. Kasama rin sa mga narekober ang mga magasin at bala, isang granada, limang handheld radios, pati na rin ang dalawang passport at dalawang identification cards.

Samantala, pasado alas-5:00 ng hapon sa parehong araw, isa pang engkwentro ang naganap sa Purok Patyog, Barangay Banali, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat. Isang miyembro ng communist terrorist group ang napatay matapos makasagupa ang mga tropa ng 7th Infantry (Tapat) Battalion, sa pamumuno ni Lt. Col. Tristan Rey P. Vallescas.


Ayon sa ulat, nagsumbong ang mga lokal na residente hinggil sa presensya ng armadong grupo na nangingikil sa mga magsasaka, negosyante at maging sa mga kandidatong pulitiko.

Nagpaabot rin siya ng pakikiramay sa mga nasawi at muling nanawagan sa mga natitira pang miyembro ng mga teroristang grupo na magbalik-loob na sa pamahalaan at mamuhay nang mapayapa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.


Mabilis na rumesponde ang mga operating troops ng 7IB na naging sanhi ng engkwentro at pagkamatay ng isang CTG member kasabay ang pagrekober ng isang M16 rifle.

Ipinahayag naman ni Brigadier General Michael A. Santos, Commander ng 603rd Infantry Brigade, na nananatiling alerto ang militar sa kabila ng ating paggunita sa mga banal na aktibidad ngayong Semana Santa.

Samantala, ipinaabot ni Major General Donald M. Gumiran, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at ng Joint Task Force Central (JTFC), ang kanyang pagkilala at papuri sa matagumpay na operasyon.

“Patuloy tayong magsusulong ng mga operasyong militar upang wakasan ang banta ng terorismo at matamo ang isang mmapayapa at ligtas na rehiyon para sa lahat,” ani Maj. Gen. Gumiran.

Tags: Brigadier General Michael A. Santos

You May Also Like

Most Read