2 TAUHAN HULI SA PANGONGOTONG SA MGA KOLORUM… BACOOR POLICE CHIEF NANGANGANIB NA MASIBAK

By: Victor Baldemor Ruiz

MISMONG si Philippine National Police chief General Benjamin Acordo ang nagpahayag na may pananagutan ang Bacoor City Police chief sa trabaho ng kanyang dalawang tauhan na dinakip ng mga awtoridad.

Dahilan kaya sinasabing nakatakdang lagdaan ni General Acorda ang relief order ng nasabing opisyal dahil sa pananagutan nito sa ilalim ng command responsibility.


Una rito ay inaresto ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang pulis at isang sibilyang kasabwat matapos mag-viral sa social media ang kanilang pangongotong sa mga transport groups sa Bacoor.

Lumitaw sa pagsisiyasat, ng CIDG, tumatanggap umano ang mga ito ng P1.5 milyon kada buwan na payola mula sa mga transport groups o P170,000 kada transport group bilang protection money para hindi sila hulihin.

Ang dalawang pulis ay kapwa nakatalaga sa Cavite Police Provincial Office.


Tags: Philippine National Police chief General Benjamin Acordo

You May Also Like