Naabo ang mahigit sa 10 bahay gawa sa light materials matapos na sumiklab ang dalawang magkasunod na sunog sa may Baseco Compound,Port Area at sa Tondo, kahapon ng tanghali sa Maynila.
Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection ,alas 11:24 ng umaga nang magsimula ang sunog sa may Blk 2 Baseco Compound,Port Area.
Umabot ang sunog sa ikalawang alarma at idineklarang fire-out,alas 12:09 ng tanghali.
Ilang minuto lang ang nakakalipas ay isang sunog na naman ang itinawag sa may panulukan ng Moring at Hermosa Sts.Tondo.
Nagsimula ang sunig alas 12:15 ng tanghali na tumagal lamang ng may 25 minuto.
Wala naman iniulat na nasaktan o nasawi sa nabanggit na sunog.
Patuloy naman inaalam ng Arson Division ang sanhi ng sunog. (Jantzen Tan)














